Home » Archives » 06. September 2009
i'd rather be hated of who i am rather than being loved of who i am not...

Paalam

September 6, 2009

Fall (Heath Whitelock)

Paalam

“It’ all been said…GOODBYE”  Grabe it is a strong statement for a person na nagmahal at nasaktan. Hindi man lubos maiisip ang kinahantungan ng isang kagaya nya na nagmahal. Well siguro it was destined naman na ganyan ang mangyayari sa bawat isa sa atin. Iba iba man ang landas na ating matatahak pero iisang bagay lang ang nagmamahal at napapagod ang ating mga puso.

Akala ko noon i was more secured na sa relationship na sinimulan ko pero on the later part pala masasaktan lang ako. Yun nga ang kasabihan na sa pagibig hindi kailangan ubusin ang lahat magtira ka para sa sarili mo. Halos hirap akong makatulog sa kaiisip ng aking pinagdaanan dahil po isang tao lamang ako na nagmahal ngunit nasaktan din, kala ko noon Masaya na ako at secured na pero hindi pa rin pala, hindi natin piho ang takbo ng ating buhay. Kala natin eh pang habang buhay na pero sa kalaonan darating ang point sa buhay natin na wala na pala ang isang minamahal. Sabi nga ng isang kaibigan ko, na ok lang na makikita mo ang minamahal mo kung mas hihigit sa iyo ang pinili nya at least malalaman mo na nag grow na sya or they had done something more better than you. Kaya yun narin dapat lagay natin sa isip natin na hindi talaga natin hawak ang kapalaran may dumadating may umaalis. Pinilit kong kalimutan sya at wag nang isipin, sinubukan ko na magmahal ng iba pero iba pa rin ang nararamdaman ko sa kanya, dahil na rin siguro sa haba ng panahon na naging kami at bigla na lamang siyang mawala. Tuwing nakikita ko siya may panghihinayang din sa part ko kung bakit ko siya pinabayaan sa mga oras na kailangan nya ako. Kala ko kasi kakayanin ko na mag move on pero hindi pa pala dahil may natira pang kaunti sa aking puso na siya pa rin ang mahal ko. Alam ko naman na Masaya na siya ngayon sa piling ng minamahal nya kahit nangako naman siya na hindi pa rin nagbago ang pagtingin nya sa akin, pero hanggang doon na lang dahil alam ko na kahit kailan ay hindi na puede na maging kami.

Sa tuwing naiisip ko siya sumasagi sa aking isipan kung paano ako nagkamali. At ano ang nagawa ko na ganun lang niya kabilis kinalimutan ang lahat ng sinimulan namin. Hindi biro ang aming naging relasyon halos ipanaglaban ko ang aking damdamin maitaguyod ko lang ang aming relasyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nya ginawa sa akin ang lahat ng ito. Tanong ko tuloy sa sarili ko, ito ba lahat ang kabayaran sa mga kabutihan na ginawa ko sa kanya?na halos lahat ay kinaya ko maibigay ko lang ang gusto at pangangailangan nya.  Hanggang ngayon patuloy pa rin siyang nagtxt sa akin at pinapa alala na kahit may asawa na daw siya ay hindi nya pa rin ako makakalimutan dahil naging parte ako ng pag grow nya bilang isang tao. Sa tuwing nababasa ko ito nararamdaman ko na parang kinokurot ang aking puso, oo mahal ko parin siya pero ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na aking nararanasan.at sa taong masasaktan ko kung sakali na sa bandang huli ay malaman ng kanyang asawa na meron siyang karelasyon na iba. Dahil alam ko kung paano masaktan. Tanggap ko na na talo na ako sa larong ito, nakuha ko na ang parte ko tama na yun atleast sa aming pagsasama ako ay naging maligaya sa mga bawat sandali na kasama ko siya. Sa mga sandalinh iyon ay natuto akong magmahal at mahalin. Ito ay magiging parte na ng aking paglalakbay. Tinututing ko itong aral sa buhay ko ng dahil dito ay nagsikap akong magiging matatag at lumaban sa bawat sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko makalimutan nang sinabi ko sa kany na ako’y magpapa alam na at sana matuto siyang kalimutan na ako. Pero ito lang ang sinabi nya sa akin. Na kahit anong gawin kong paglalayo sa kanya pipilitin nya pa rin at gagawa pa rin siya ng paraan upang kami ay magkatagpo. Sa bawat patak ng luha nya halos natutunaw ako dahil ano ba ako at kailangan niyang maging ganito samantalang nag desisyon na siyang mag asawa. Ayoko kong isipin na dahil sa pangungulila nya sa akin kaya nya nagawa ito. Dahil me nasabi siya sa akin na kung hindi lang ako nahinto ng pagtxt sa kanya o tawag sana daw kami pa rin ngayon. Ayaw kong paniwalaan yun dahil kung naging matatag lang siya at nakinig sa paliwanag ko hindi ito nangyari. Pero huli na ang lahat para magsisihan, nangyari na ang dapat mangyari. Kailangan na lang tanggapin namin sa bawat isa na hindi na talaga maibabalik pa ang nakaraan. Ito ako ngayon nag iisa muli at umaasang makatagpo ng isang taong magmahal at mamahalin ko ng lubusan at sana huwag  nang mangyari sa akin ulit ang ganitong sitwasyon dahil alam ko mahirap ko nang tanggapin muli kung saka sakali. Paalam…..

Posted by abejohnobordo at 4:11 am | permalink | comments[1]