Sa Mundong Wala na Sya…
February 3, 2009Abe John Obordo
Bata pa lang ako noon ng iniwan kami ng aking ama, iba ang naging buhay ko kaysa sa normal na mga bata, naiingit ako sa tuwing nakikita kong masaya ang isang pamilya at buo. Di kagaya ko na hanggang ngayon ganun pa din ang nasa puso ko, ang pag babakasakali na makita ko siya sa bandang huli, matanong man lang bakit nya kami iniwan. Pero halos hindi ko na rin matandaan ang kanyang mukha dahil ako’y batang musmos pa lamang noon. Minsan naiisip ko na lang tuloy paano kung wala na sya at umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli? Sa tuwing naiisip ko ang aking kabataan, hanggang ngayon lungkot at luha ang aking nararanasan, dahil nga sa hindi ako nakaranas na lumaki na may ama. Tinaguyod ko ang aking sarili kasama ang aking ina at mga kapatid. Sa murang edad halos nagtrabaho na ako para suportahan ko ang aking pag-aaral at pamilya. Naging matatag ako sa bawat pagsubok at hamon ng buhay dahil sa mga pinag dadanan ko.
Kahit andito na ako sa Kuwait hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang tanging hangad ko na sa banding huli o sa pag uwi ko ay makita ko na sya, dahil sa pananabik na makapiling ko ang isang tinatawag na ama. Walang ama na nag turo sa akin kung paano mamuhay ng matatag. Walang ama na dumadalo sa tuwing ako ay may award sa school. Malungkot man isipin pero nandito na ako at ito na ang naging buhay ko. Pinagdadasal ko na lang na sana man lang maisip nya na bumalik sa amin kahit makita ko man lang sya at mayakap. May galit man ako sa puso pero alam ko tao lang ako at hindi mabigat sa akin ang magpatawad. Minsan pag nag iisa ako naiiyak na lamang ako sa tuwing naiisip ko ang aking kalagayan. Isa na rin akong ama kaya ginagawa ko ang lahat na wag matulad ang anak ko sa aking naranasan. Gagawin ko ang lahat na sa bandang huli ay maipagmamalaki niya ako.
Kaya hindi naging madali sa akin ang buhay dito sa Kuwait, sa bawat araw na ginawa ng diyos ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang aking ama, kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang lumaki na walang ama. Kahit andyan ang nanay pero iba pa rin ang lumaki na mayroon kang kumpletong pamilya. Sa tuwing ako ay nag iisa tanging rooftop ng building namin ang aking tambayan. Gusto kong isigaw sa buong mundo ang sama ng loob ko. Pero sabi ng mga kaibigan ko i have to move on at harapin ko na lang ang ngayun. Dahil kung talagang magkikita kami naka tadhana na iyon. im blessed nman to have friends na hindi ako iniiwan sa ganitong sitwasyon ko. Sila ang tanging nahuhugutan ko ng lakas dito sa


