Buhay Pasko…
December 23, 2008Juan de marco
Sabi nila sa tuwing sasapit ang pasko, ito raw ang pinakamasayang bahagi ng ating mga buhay. Pero sa akin puede kong masasabi na hindi naging masaya ang lahat ng naging pasko. Halos 5 taon na akong di nakaranas ng masayang pasko sa atin, malungkot man na isipin pero andito tayo sa ibang bansa nakikibaka para sa ating mga pamilya. Mahirap magdiwang ng ganitong okasyon na malayo sa ating mga mahal sa buhay. Nag iiisa, nakikinig sa mga awiting pampasko pero kulang pa rin. Ika nga sabi nila “there’s no place like home” sa tuwing naalala ko ang mga bagay na ginagawa sa tuwing kaspakuhan, pag sasama sama ng bawat pamilya, mga nag gagandahang ilaw sa daan, masasarap na pagkain sa hapag kainan, pag sisimbang gabi kasama ang pamilya at marami pang iba. Ito ang mga bagay na wala dito sa
Pero ano nga ba ang buod ng kapaskuhan? Ito ang araw ng pagsilang ng ating poong maykapal na siyang tanging tagapagligtas sa ating mga kasalanan. Marami sa atin ang nakakalimutan ang tunay na diwa ng araw na ito, wala sa mamahaling damit o regalo, masasarap na pagkain ang tunay na pasko kundi ito ay nasa ating mga puso na nagmamahal at umuunawa. Sa panahon natin ngayon may mga bagay na mas dapat mahalaga sa ating pananaw marahil na rin sa pinagdadaanan ng ating pang daigdigang ekonomiya. Isantabi na lang natin muna ang ating mga personal na sama ng loob at galit upang ma-ipagdiwang natin ang kapaskuhan ng matiwasay sa ating mga puso.
Lugod ko pong binabati ang ating mga kababayan dito sa
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


