Home
i'd rather be hated of who i am rather than being loved of who i am not...

Paalam

September 6, 2009

Fall (Heath Whitelock)

Paalam

“It’ all been said…GOODBYE”  Grabe it is a strong statement for a person na nagmahal at nasaktan. Hindi man lubos maiisip ang kinahantungan ng isang kagaya nya na nagmahal. Well siguro it was destined naman na ganyan ang mangyayari sa bawat isa sa atin. Iba iba man ang landas na ating matatahak pero iisang bagay lang ang nagmamahal at napapagod ang ating mga puso.

Akala ko noon i was more secured na sa relationship na sinimulan ko pero on the later part pala masasaktan lang ako. Yun nga ang kasabihan na sa pagibig hindi kailangan ubusin ang lahat magtira ka para sa sarili mo. Halos hirap akong makatulog sa kaiisip ng aking pinagdaanan dahil po isang tao lamang ako na nagmahal ngunit nasaktan din, kala ko noon Masaya na ako at secured na pero hindi pa rin pala, hindi natin piho ang takbo ng ating buhay. Kala natin eh pang habang buhay na pero sa kalaonan darating ang point sa buhay natin na wala na pala ang isang minamahal. Sabi nga ng isang kaibigan ko, na ok lang na makikita mo ang minamahal mo kung mas hihigit sa iyo ang pinili nya at least malalaman mo na nag grow na sya or they had done something more better than you. Kaya yun narin dapat lagay natin sa isip natin na hindi talaga natin hawak ang kapalaran may dumadating may umaalis. Pinilit kong kalimutan sya at wag nang isipin, sinubukan ko na magmahal ng iba pero iba pa rin ang nararamdaman ko sa kanya, dahil na rin siguro sa haba ng panahon na naging kami at bigla na lamang siyang mawala. Tuwing nakikita ko siya may panghihinayang din sa part ko kung bakit ko siya pinabayaan sa mga oras na kailangan nya ako. Kala ko kasi kakayanin ko na mag move on pero hindi pa pala dahil may natira pang kaunti sa aking puso na siya pa rin ang mahal ko. Alam ko naman na Masaya na siya ngayon sa piling ng minamahal nya kahit nangako naman siya na hindi pa rin nagbago ang pagtingin nya sa akin, pero hanggang doon na lang dahil alam ko na kahit kailan ay hindi na puede na maging kami.

Sa tuwing naiisip ko siya sumasagi sa aking isipan kung paano ako nagkamali. At ano ang nagawa ko na ganun lang niya kabilis kinalimutan ang lahat ng sinimulan namin. Hindi biro ang aming naging relasyon halos ipanaglaban ko ang aking damdamin maitaguyod ko lang ang aming relasyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nya ginawa sa akin ang lahat ng ito. Tanong ko tuloy sa sarili ko, ito ba lahat ang kabayaran sa mga kabutihan na ginawa ko sa kanya?na halos lahat ay kinaya ko maibigay ko lang ang gusto at pangangailangan nya.  Hanggang ngayon patuloy pa rin siyang nagtxt sa akin at pinapa alala na kahit may asawa na daw siya ay hindi nya pa rin ako makakalimutan dahil naging parte ako ng pag grow nya bilang isang tao. Sa tuwing nababasa ko ito nararamdaman ko na parang kinokurot ang aking puso, oo mahal ko parin siya pero ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na aking nararanasan.at sa taong masasaktan ko kung sakali na sa bandang huli ay malaman ng kanyang asawa na meron siyang karelasyon na iba. Dahil alam ko kung paano masaktan. Tanggap ko na na talo na ako sa larong ito, nakuha ko na ang parte ko tama na yun atleast sa aming pagsasama ako ay naging maligaya sa mga bawat sandali na kasama ko siya. Sa mga sandalinh iyon ay natuto akong magmahal at mahalin. Ito ay magiging parte na ng aking paglalakbay. Tinututing ko itong aral sa buhay ko ng dahil dito ay nagsikap akong magiging matatag at lumaban sa bawat sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko makalimutan nang sinabi ko sa kany na ako’y magpapa alam na at sana matuto siyang kalimutan na ako. Pero ito lang ang sinabi nya sa akin. Na kahit anong gawin kong paglalayo sa kanya pipilitin nya pa rin at gagawa pa rin siya ng paraan upang kami ay magkatagpo. Sa bawat patak ng luha nya halos natutunaw ako dahil ano ba ako at kailangan niyang maging ganito samantalang nag desisyon na siyang mag asawa. Ayoko kong isipin na dahil sa pangungulila nya sa akin kaya nya nagawa ito. Dahil me nasabi siya sa akin na kung hindi lang ako nahinto ng pagtxt sa kanya o tawag sana daw kami pa rin ngayon. Ayaw kong paniwalaan yun dahil kung naging matatag lang siya at nakinig sa paliwanag ko hindi ito nangyari. Pero huli na ang lahat para magsisihan, nangyari na ang dapat mangyari. Kailangan na lang tanggapin namin sa bawat isa na hindi na talaga maibabalik pa ang nakaraan. Ito ako ngayon nag iisa muli at umaasang makatagpo ng isang taong magmahal at mamahalin ko ng lubusan at sana huwag  nang mangyari sa akin ulit ang ganitong sitwasyon dahil alam ko mahirap ko nang tanggapin muli kung saka sakali. Paalam…..

Posted by abejohnobordo at 4:11 am | permalink | comments[1]

Sa Mundong Wala na Sya…

February 3, 2009

Abe John Obordo

Bata pa lang ako noon ng iniwan kami ng aking ama, iba ang naging buhay ko kaysa sa normal na mga bata, naiingit ako sa tuwing nakikita kong masaya ang isang pamilya at buo. Di kagaya ko na hanggang ngayon ganun pa din ang nasa puso ko, ang pag babakasakali na makita ko siya sa bandang huli, matanong man lang bakit nya kami iniwan. Pero halos hindi ko na rin matandaan ang kanyang mukha dahil ako’y batang musmos pa lamang noon. Minsan naiisip ko na lang tuloy paano kung wala na sya at umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli? Sa tuwing naiisip ko ang aking kabataan, hanggang ngayon lungkot at luha ang aking nararanasan, dahil nga sa hindi ako nakaranas na lumaki na may ama. Tinaguyod ko ang aking sarili kasama ang aking ina at mga kapatid. Sa murang edad halos nagtrabaho na ako para suportahan ko ang aking pag-aaral at pamilya. Naging matatag ako sa bawat pagsubok at hamon ng buhay dahil sa mga pinag dadanan ko.

 

Kahit andito na ako sa Kuwait hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang tanging hangad ko na sa banding huli o sa pag uwi ko ay makita ko na sya, dahil sa pananabik na makapiling ko ang isang tinatawag na ama. Walang ama na nag turo sa akin kung paano mamuhay ng matatag. Walang ama na dumadalo sa tuwing ako ay may award sa school. Malungkot man isipin pero nandito na ako at ito na ang naging buhay ko. Pinagdadasal ko na lang na sana man lang maisip nya na bumalik sa amin kahit makita ko man lang sya at mayakap. May galit man ako sa puso pero alam ko tao lang ako at hindi mabigat sa akin ang magpatawad. Minsan pag nag iisa ako naiiyak na lamang ako sa tuwing naiisip ko ang aking kalagayan. Isa na rin akong ama kaya ginagawa ko ang lahat na wag matulad ang anak ko sa aking naranasan. Gagawin ko ang lahat na sa bandang huli ay maipagmamalaki niya ako.

 

Kaya hindi naging madali sa akin ang buhay dito sa Kuwait, sa bawat araw na ginawa ng diyos ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang aking ama, kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang lumaki na walang ama. Kahit andyan ang nanay pero iba pa rin ang lumaki na mayroon kang kumpletong pamilya. Sa tuwing ako ay nag iisa tanging rooftop ng building namin ang aking tambayan. Gusto kong isigaw sa buong mundo ang sama ng loob ko. Pero sabi ng mga kaibigan ko i have to move on at harapin ko na lang ang ngayun. Dahil kung talagang magkikita kami naka tadhana na iyon. im blessed nman to have friends na hindi ako iniiwan sa ganitong sitwasyon ko. Sila ang tanging nahuhugutan ko ng lakas dito sa Kuwait para ipagpatuloy ko ang buhay ko. Maraming salamat po sa OFW Diary at nakakapag share ako ng kwento ko sa buhay..more power po sa inyo.

 

 

 Salamat din sa iyong pag share ng kuwento mo. Kahit ako sasabihin ko din sa iyo na dapat mag move on ka na. Kung talagang magkikita kayo ng iyong ama ay nakatakda na ang panahon na iyon, ang masakit lang diyan paano kung ang hinihintay mo ay wala na? Di ba mas masakit yon, kaya kung ako sa iyo lagay mo na lang sa isipan mo na ang lahat ng bagay na ating pinag dadaanan ay nakatakda na. Alam ko ang mabuhay na walang ama.Minsan naiisip mo lang kung nasa tuktok ka na ng tagumpay na sana nasa tabi mo sya at maranasan man lang ang ginhawa na tinatamasa natin ngayon. Kaya yan ang buhay wala na tayong magagawa bawat isa sa atin ay naka takda na kung sa ano ang mangyayari sa atin. Be happy po and enjoy the days na andito ka sa Kuwait. Isipin mo na lang na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa anak mo. Masaya ako at nasabi mo na ayaw mong matulad ang anak mo sa iyo. Dapat lang dahil kumbaga ikaw na lang bumawi sa pagkakamali ng iyong ama. Wag mong tularan ang ginawa nya sa inyo. Kaya wag masyado mag isip at tigilan mo na ang pag akyat sa rooftop at kung baka ano pa maisip mo. Masasabi ko lang sa iyo don’t expect too much kasi mas masakit ang tinatawag nilang frustration

Posted by abejohnobordo at 10:30 pm | permalink | Add comment

Buhay Pasko…

December 23, 2008

 

Juan de marco

 

                        Sabi nila sa tuwing sasapit ang pasko, ito raw ang pinakamasayang bahagi ng ating mga buhay. Pero sa akin puede kong masasabi na hindi naging masaya ang lahat ng naging pasko. Halos 5 taon na akong di nakaranas ng masayang pasko sa atin, malungkot man na isipin pero andito tayo sa ibang bansa nakikibaka para sa ating mga pamilya. Mahirap magdiwang ng ganitong okasyon na malayo sa ating mga mahal sa buhay. Nag iiisa, nakikinig sa mga awiting pampasko pero kulang pa rin. Ika nga sabi nila “there’s no place like home” sa tuwing naalala ko ang mga bagay na ginagawa sa tuwing kaspakuhan, pag sasama sama ng bawat pamilya, mga nag gagandahang ilaw sa daan, masasarap na pagkain sa hapag kainan, pag sisimbang gabi kasama ang pamilya at marami pang iba. Ito ang mga bagay na wala dito sa Kuwait. Meron man pero hindi kapares ng ating nararanasan sa Pilipinas. Kahit wala ng matira sa ating kinita sa buwan ng disyembre basta’t mapaligaya lang natin ang ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Kung isipin natin kung bakit tayo nandito marahil ito ay para rin sa kanila at sa ating mga sarili na sa banding huli ay may mahuhugot tayo para sa ating ikabubuhay. Pasalamat tayo at pinagpalang makapag abroad samantalang andami sa atin ang hindi sinuswerte na naka pangibang bansa kagaya natin. Kaya lubos lubosin na natin habang tayo ay nandito at kumikita para sa ating mga darating na bukas. Isipin na lang natin na ang mga bagay na itatanim natin ngayun at bukas ay pang habang buhay na nating aanihin. 

                        Pero ano nga ba ang buod ng kapaskuhan? Ito ang araw ng pagsilang  ng ating poong maykapal na siyang tanging tagapagligtas sa ating mga kasalanan. Marami sa atin ang nakakalimutan ang tunay na diwa ng araw na ito, wala sa mamahaling damit o regalo, masasarap na pagkain ang tunay na pasko kundi ito ay nasa ating mga puso na nagmamahal at umuunawa. Sa panahon natin ngayon may mga bagay na mas dapat mahalaga sa ating pananaw marahil na rin sa pinagdadaanan ng ating pang daigdigang ekonomiya. Isantabi na lang natin muna ang ating mga personal na sama ng loob at galit upang ma-ipagdiwang natin ang kapaskuhan ng matiwasay sa ating mga puso.

                        Lugod ko pong binabati ang ating mga kababayan dito sa Kuwait ng isang maligayang pasko at manigong bagong taon po. Sana sa pagpasok ng 2009 ay sama sama parin tayo na harapin ang mga hamon sa buhay at ang patuloy na pagsuporta ninyo sa THE FILIPINO MAGAZINE. Mabuhay ka KABAYAN!!!

                       

                       

Posted by abejohnobordo at 11:33 pm | permalink | Add comment

Sana…Sa Araw ng Pasko

December 17, 2008

abe john  Obordo

 

Parang kailan lang at heto na naman malamig na ang simoy ng hangin ano nga ba ang ibig sabihin nito? Sabi nila na pag apak daw  ng mga buwan na nagtatapos sa BER ay matatawag na natin na malapit na ang kapaskuhan. Para sa ating lahat ito ang masasayng araw kung saan ay nagsasama sama ang bawat pamilya at mga kaibigan saang sulok man ng mundo. Naglalakihang Christmas trees, magagarang decorasyon, masasarap na pagkain, magagandang damit, mga regalp at mga kumukutikutitap na mga parol at ilaw ang ating nasisilayan sa tuwing kapaskuhan. Pero ano ba ang higit sa lahat na dapat nating pagtuunan sa tuwing kapaskuhan? Marahil lahat tayo ay alam na ito ang kaarawan ng isang sanggol na isinilang sa sabsaban na nag ligtas at umako sa ating mga kasalanan. Sya ang ating mahal na Panginoong Hesu Kristo. Bata pa lang ako noon ang tanging alam ko lang tuwing pasko ay si santa claus na nagbibigay ng regalo, sa tuwing nagsasabit ako ng medyas sa aming bintana, at sa pag gising ko sa umaga ay meron na itong candy at perang laman sa buong pag-aakala ko na dumaan nga si santa claus, lingid sa kaalaman naming mga kabataan na ang aming mga magulang din pala ang naglalagay nito. Isa ito sa mga masasayang alaala tuwing dumadaan ang pasko, sabi nga nila ang pasko daw ay para sa mga bata. Subalit ito po ay para sa lahat, tuwing kapaskuhan ang pagmamahalan, pagkakaisa at pananampalataya ang tema para salubungin ang pinakamahalagang araw sa ating tagapagligtas. Isang bagay na parte ng  buhay nating mga kristiano saan mang sulok ng mundo.

 

Pagmamahalan, ang tanging hiling sa atin ng ating poong maykapal upang umiral ang kapayapaan at pagkakaisa sa ating mundong kinagagalawan. Siguro kung ito lang ang ang tanging gawin natin wala na sanang away at paghihirap o delubyong dumadaan sa buhay. Sabi nila, hanggat may galit ka sa iyong puso ay hindi ka magiging Masaya, isang bagay na mahirap tanggalin sa bawat isa sa atin, hindi maiwasang magalit pero sa akin ang lahat ay pinapasa diyos ko na lamang ang mga taong patuloy na pinupuna ang kahinaan ko. Dahil alam ko ang poong maykapal lamang ang tanging may karapatan para manghusga. Pagpapatawad at pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong nagkasala sa atin upang ipakita ang ating pagmamahal sa ating nasa itaas. Dahil sya ang malaking ehemplo sa atin kung paano magpatawad at magpakita ng tunay na pagmamahal.

 

Ang Pagkakaisa sa bawat hamon na ating hinaharap sa buhay,hindi lang tuwing pasko kundi sa lahat ng panahon. Sabi nga sa bibliya “nasa gitna ako ng mga taong nagsasama sama.” Hindi man natin nararamdaman pero sya ay nasa paligid natin tuwing tayo ay nagtitipon tipon upang tayo ay gabayan upang maiwasan ang gumawa ng masama. Ang pagkakaisa ay isang bagay na maging susi para sa ikauunlad ng ating bayan at kommunidad saan man tayo naroroon. Sana sa araw na ito tayo ay magsama sama sa pagsalubong na nagkakaisa sa kaarawan ng ating mahal na Hesu Kristo.

 

Sa wikang ingles ang Pamilya ay “The basic unit of our society” dito nagsisimula ang lahat kung paano tayo hinubog at pinalaki ng ating mga magulang. Ika nga kung ano ang tinanim yun din ang iyong aanihin. Ito ang nagiging salamin kung ano tayo ngayon. Replica kumbaga kung paano tayo pinangaralan at binigyan ng mgandang edukasyon ng ating magulang. Tanging pamana nila na ni kahit sino man ay hindi maiibigay at makakakuha ito. Ang pagsasama-sama ng bawat pamilya tuwing pasko ay isang bagay na hindi nawawala lalong lalo na sa ating mga Pilipino.

 

Ang ating mga Kaibigan, gaano nga ba ka importante ang isang kaibigan? Sya ang isang taong kasama  sa saya at lungkot, hirap at ginhawa na dumadaan sa ating buhay. Yung tipong hindi ka iiwan sa lahat ng iyong laban. Maraming mukha ang kaibigan na tinatawag,pero ang higit sa lahat sya ang nag iisang ipaglalaban ka kahit sa ano mang pagsubok sa buhay maliban sa ating pamilya. Marami akong naging kaibigan may nawawala pero may dumadating din na mas lalo akong natoto kung paano mamili ng matatawag kung tunay na kaibigan.sila ang tipong hindi ako tinatalikuran at sa bawat dungis sa aking mukha ay sila rin ang tumutulong sa akin na punasan ito. Sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay ko malaking pasasalamat po ang nais kong iparating sa inyo at sa mga nakagalit ko sana kahit hindi na tayo nagsama-sama patuloy pa rin ang respeto natin sa isa’s isa. May mga sari-sarili man tayong buhay ngayon sana ay isipin na lang natin ang mga magagandang bagay nating pinag dadaanan na naging parte ng ating paglalakbay ngayon at pagharap pa sa ating mga buhay. Masaya ako sa mga kaibigan ko kung ano man ang nakakamit nila sa buhay. Dahil alam ko ang mga bagay na ito ay nangyayari sa takdang panahon sa bawat isa sa atin.

 

Higit sa lahat ang ating pananampalataya, tayo ay namulat sa mundong ito na may paniwala sa poong maykapal. Isang mahalagang araw ang pasko dahil dito natin napapatunayan ang ating respeto at pagmamahal sa ating Poong Maykapal. Sya ang nagdala ng kapayapaan at pagmamahal sa sanlibutan, at sya rin ang nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan. Ang tanging mensahe tuwing kapaskuhan ay pagmamahalan, kapayapaan, pagkakaisa at pananampalataya. Ang tanging pamana na kahit na sino ay hindi kayang kuhanin hanggang tayo ay mawala sa mundong ito.

 

Sana gawin natin ang bawat araw na pasko at bagong taon dahil ang bawat araw na ginawa ng diyos ay isang malaking bagay na tayo magpasalamat at nabubuhay pa sa sanlibutang kanyang ginawa. Maging inspirasyon sana natin ang mga magagandang bagay na ginawa sa atin ng Poong Maykapal. Mga kababayan isang maligayang pasko at manigong bagong taon po sa lahat

Posted by abejohnobordo at 12:00 am | permalink | Add comment

Ang Kahapon, Ngayon at ang Bukas…

December 16, 2008

Abejohn Obordo

Bawat isa sa atin ay may nakalaan na swerte sa buhay.kadalasan may mga bagay na humahadlang sa ating mga pangarap. Gustuhin man nating  sumuko at huwag ng isakatuparan itong mga pangarap. Lingid sa ating kaalaman na ang mga bagay na ito ang maaring magbigay daan para matutunang maging  matatag kahit sa ano mang mga pagsubok sa buhay. Minsan sa ating akala, ang ginhawa sa buhay ay ipinagkait,  subalit alam ba natin na lahat ng tao ay pareho lamang ng mga pinagdadaanan? Ang swerte sa buhay ay bunga ng pagsisikap at pangarap na nais nating makamtan. Bawat isa sa atin ay may mga nais sa buhay at bawat kabiguan ay hindi sapat na batayan upang tayo ay sumuko. Sabi nga sa awit  na Maghintay ka Lamang

“ ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayroong pagsubok man ang liwanag ay di magtatagal at muling mamasdan ikot ng mundo ay hindi laging pighati’t kasawian ang pangarap mo ay makakamtan basta’t maghintay ka lamang”

             Isa lamang akong musmos ng marinig ko ang awiting ito at hindi mawala sa aking isipan sa tuwing ako ay humaharap sa mga pagsubok sa buhay. Alam ko na ang lahat ng tanong ay may kasagutan at hangganan. Ang buhay ay tulad ng isang gulong na minsa’y nasa itaas at minsa’y nasa ibaba, sa iba naman ang buhay ay weather weather lang yan. Ano man ang pananaw natin, tayo po ang tanging huhubog sa ating bukas.

          Isang araw sa sandali ng aking  pamamahinga,  binuksan ko ang TV at isang nakakaantig na kuwento ang aking napanood. Ito ay salaysay ng isang bata na pinagkaitan ng ginhawa sa buhay, sa kanyang murang edad lansangan ang kanyang tahanan. Hirap at pighati ang kanyang naranasan dahil sya ay pinagkaitan ng pamilya at magulang, walang pagmamahal at pag aaruga sa murang edad. Halos hindi ko lubos maisip kung paano nya itinaguyod ang kanyang sarili na mamuhay ng kawalan. Sa edad na anim  ay wala ng kumalinga sa kanya, binuhay ang sarili sa pamamagitan ng pamamalimos at pagbabanat ng sariling buto. Hindi siya nawalan ng pag asa at patuloy nilabanan ang bawat pagsunok. Isa lamang sya sa milyon-milyong kabataan ngayon na nasa lansangan at lumalaban sa hirap at hamon ng buhay. Naisip ba natin ito kung paano sila nabubuhay? Marami sa atin ang dumaranas ng kaginhawahan sa buhay subalit bakit hindi matapos ang ating mga pangangailangan?  Hindi natin masisi sa ibang tao ang kapalaran ng isa’t isa sa atin subalit kung tayo ay magtutulungan ay hindi malayo na mabibigyan natin sila ng kahit na karampot na tulong. Sana sa bawat subo natin ng masasarap na pagkain,pag higa sa malambot na higaan at  pamumuhay ng marangya, ay sumagi sa ating isipan ang ating mga kababayan na lugmok sa kahirapan. Halos hindi ako magkamaliw habang nakikinig ako sa hinaing nya sa hirap ng buhay, hindi naman daw sya sumuko na mangarap pero talagang masasabi nya na isa sya sa pinagkaitan ng gnhawa sa buhay. Sinikap na magkaroon ng pamilya subalit pilit namang pinag pinaglayo ng tadhana.

           Naging aral sa akin ang buhay ng batang ito, alam ko na hindi habang panahon ay nasa ibayong lugar at kumikita ng malaking halaga. Paano kung dumating na ang panahon na tayo ay wala na rin sa bansang ito, Sana hinay hinay din po tayo sa lahat ng bagay lalong lalo na sa mga material na aspeto ng ating buhay dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Pahalagahan din po natin ang ating mga mahal sa buhay dahil sila ang nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon sa atin para sa patuloy na pakikibaka sa ibang bansa.. Sa bawat halagang ating naibibigay sa kanila, tuwa ang dulot nito. Ito ay patunay lamang na ang kapalit ng luha at pawis ay hindi nasayang. Hindi madali sa isang kagaya natin ang mamuhay sa bansang banyaga na halos lahat ay salungat sa ating paniniwala. Marami rin sa atin ang hindi pinapapalad sa pangingibang bansa, dumaranas din ng hirap at saklap sa buhay pero ito ay nagaganap sa bawat takdang panahon. Patuloy lang po tayong mangarap at wag magatubiling humingi ng saklolo sa maykapal. Isipin natin na sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay na hindi po ito ang katapusan sa mundo. Ang bawat bato na ating nadadaanan sa buhay ay mga bagay na hindi natin dapat  kalimutan samakatuwid ito ay dapat nating balikan dahil ito ang magbibigay sa atin ng inspirasyon na patuloy na lumaban.

                Wag po nating kalimutan ang kahapon, buong tapang na harapin ang ngayon at wag mawalan ng pag asa na antayin ang bukas

Posted by abejohnobordo at 11:59 pm | permalink | comments[3]

The Fall and Rise of Em-em

JP Cunada

By JP Anthony D. Cuñada

 

When God takes away something, he has another ready in exchange.

For Abe John Obordo a.k.a Em-em, was not a case of God taking his talent away from him much more a case of he has no talent at singing at all?

 

This is how it happened.

Em-em joined a singing competition, The Singing Idol Songfest. If he only had a chair to stand on to reach the high notes. But there wasn’t any because the chairs were occupied by the audience.

 

Disaster struck. Abe John “Em-em” Obordo did not join a singing competition again.

 

As a popular science TV show says: Disaster doesn’t just happen. There are series of events that led to it.

 

For Em-em, the series of events are the following:

 

February 2004 he arrived for work in Kuwait. May 2004 he joined the Circle of Performing Artists in Kuwait (CPAK). During one of the cultural presentations sponsored by the US camp in arifjan Kuwait in celebration of the Philippine independence in June 2004, where he rendered a song number. At least one person liked it. He invited Em-em to join the contest.

Em-em was flattered. He joined the singing contest. And the next thing was: disaster.

 

And this is where our story begins.

 

Em-em was born in Roxas City on February 20, 1979, to Abelardo Obordo (deceased) and Amelia Obordo, the Captain of her Barangay, in Sapi-an, Capiz, since 1970-present.

 

As a young boy, he was always on stage either dancing the Tinikling and other Philippine folk dances or joining the singing competitions.

 

He almost became a priest when he was accepted by the famous St. Pius X Seminary in Roxas City to continue his high school education. In the Seminary, he was a member of the Pian Presentors, a selected group of Seminarians who performs during important Seminary and Archdiocesan events, for four years.

 

Since the Seminary requires each section (there was only one section per year in his time), to perform during the birthday of the Patron Saint, Em-em choreograph his class’ presentations on his 3rd and 4th year in the Seminary.

 

Destined for a life outside the seminary, he pursued his studies at St. Anthony’s College in Roxas City taking up Bachelor of Science in Physical Therapy.

 

After a year of adjustment, Em-em began to shine again. This time as a choreographer and at the same time modern dancer, playwright and director in college. And all of his works won the grand prizes.

Now, Em-em was very depressed.

He loves to sing. Previous experiences on stage have been rewarding. How can a performance in another country, albeit in front of mostly the same people (Filipino), go wrong?

 

He formulated theories to explain why it happened, but in the end, he came to this conclusion: I am not meant to be a singer. I am not meant to be in front of the stage.

 

If he could not be in front, could he be at the back? Yes, but our story does not jump there.

 

First, Em-em had to wander, smell the Kuwait air, let it blow away the pain of a wounded pride and shattered ego.

 

And maybe attend a birthday party?

 

Yes, he attended a birthday party.

 

And his world was never the same again.

 

Enter a renowned Filipino senior Journalist of The Daily Star newspaper, and organizer of events that involves Filipinos. Em-em met him at the birthday party. An acquaintance that encourages em em to be a part of his production and much to his surprised that this guy knew more than what he expected when it comes to handling productions and talents.

 

Fast forward to the first Karaoke Duet Challenge Em-em handled with the group, Arts and Music Enthusiasts of Kuwait, he and his friends formed. The Gandang OFW beauty pageant (Choreographer, October 2004), Karaoke Duet Challenge (Asst. Production Manager, September 2005), Gandang OFW (Stage Manager, October 2005)

 The voice of Christmas (Production Manager, December 2005).

 

The list goes on and on. With every new show his popularity grows. Now, he is a sought after choreographer, Production and Talent Manager.

 Then on February 2006, he managed and choreographed the Diamond Show and Haute Couture Fashion Show involving models from different countries by the internationally acclaimed designer Nohad Abdullah (www.nohadabdullah.com).He choreographed and directed the Mutya ng Pilipinas Kuwait in March  2006.

 Member of the production staff in April 2006 The International Photo Competition honoring the late Kuwait’s Amir.

When Geoff Eigenman visited Kuwait for the Fashion Show of the clothing line Human, Em-em was the choreographer and talent coordinator.. One of the production staff for the Launching of Malaysian Tourism in July 2006.

 Then he bcame the production in charge of the Malaysian Food Festival and Cultural Presentation was held in September 2006. He was the Production Manager when Side A band had a concert in Kuwait in December 2006. He directed the Black and Red Party, a dinner on Christmas Eve party and Fashion show coordinator in December 2006. Member of the organizing committee for the PSSST in December featuring the SIDE A BAND from the philippines.

Production staff in the night of the champions (a tribute to the Filipino singing talents ) in January 2007. And a series of Latino parties wherein he was the production manager in the early quarter of 2007..

When Regine and Ogie accompanied by Lovi Poe held a concert in March 2007, he was the Assistant Director and Production in-charge…GMA 7 kapuso catered all the Filipinos in middle east a basketball exhibition featuring PBA stars and artists from the Philippines he was a member of the organizing committee and the production manager of FACES (Filipino arts and cultural entertainment services) in April 2006.

 

As I said, the list goes on and on.

 

Yet, all those he did while keeping his job as a Receptionist and Masseur in one of the best health club in Kuwait.

 

Now he and his friends dream about putting up an event management company which will handle shows and gather Filipino talents. They also look forward in organizing an Actors Guild in Kuwait to produce plays shown in schools.

 

Blood is thicker than water, as the saying goes. And home is always the place where the heart is.

 

Despite of all his success in Kuwait, all he could think about is his motherland.

“It is more meaningful to share talents in your own (country).”And as to singing? “I’d rather sing on my own.” Em em said.

 

So, it was more of the fact that Em-em has no talent in singing rather than God taking his talent away. But God does have a substitute.

 

Doesn’t He?

 

Posted by abejohnobordo at 11:37 pm | permalink | Add comment

Abe John, Filipino creative and artistic show director

By Ricky(Amir)Laxa

 

Abe John Obordo, a relatively new show director who dedicates to carve up with his prized time and share his talents with the Filipino community in Kuwait by sharing his artistic expertise on directing shows and events for charitable causes, has been of the most sought show directors in the Asian community.   

 

Em-Em is Abe John’s nick name that became popular to the Filipino community in Kuwait in short span of time. His extensive experience and knowledge in directing shows and events earned him not only popularity but the confidence of event coordinators and producers to handle prominent occasions, which were organized by Art and Music Enthusiast of Kuwait and The Hiligaynon Community of Kuwait. Obordo joined one of the Filipino cultural groups upon his arrival in the country. He was soon noticed because of his exceptional and remarkable performances, which were showcased at Camp Arifjan and Doha. 

 

“I am a simple man with simple dreams and art has always been my passion. Time has always been the restricting factor that limits my capacity to help in other events and money has never been an issue. The Filipino community is diverse and my services have always been available for those who require them. I find satisfaction and somehow, a way to spend my spare time, which would be beneficial both for me and others,” stated Obordo.

 

Currently, Obordo is working on two major projects in Kuwait; The Black and White fashion expose, which highlights on diamond and fashion show to go on stage on the twenty fourth of this month at Al Watya Complex in Kuwait City and The Hiligaynon’s cultural celebration at Arraya Ballroom on the tenth of March. Among the most prominent events, which Obordo will take part as production manager this year would be a hair show, which will involve prominent salons from Britain, Latino Caliente and national search for international photo competition which will involve local and foreign photographers focusing on the former Amir’s generous works. All events will be partly sponsored by The Daily Star and The Al-Watan newspapers.

 

Obordo was born in Capiz, acquired his primary education with highest honors and made his way to Roxas City to pursue his secondary education. Obordo was introduced to art during this time; he was engaged in performing as folk dancer, singer and choreographer. He has been nominated and won as best director three times in different categories and trained several cultural groups that earned numerous awards and prizes. Obordo graduated with a degree in Bachelor of Science in Physical Theraphy at St. Anthony’s College of Roxas City and worked as therapists for short period of time till he was hired to come to Kuwait. Obordo works for one of the most prominent male gyms in Jabriyah and balances his time between his work and community services.

 

“I would love to work for local dance groups that backs-up local recording artists in Kuwait particularly music videos. I had the opportunity to meet some of the most prominent artists, politicians and members of the royal families through my work. It is always a privilege for me to be able to share my talents and watch my creation unfolds during the actual performance. I am looking forward to be a part of the international photo competition, which would be dedicated to His Highness the former Amir,” added Obordo. “I hope that more expatriates would be able to share their spare time in services of their respective communities and take active roles in creating awareness and preserving their own culture and traditions during their stay in foreign soils,” ended Obordo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by abejohnobordo at 10:06 pm | permalink | Add comment